"ANG WIKA SA ATING LIPUNAN"
Ang kakayahang magsalita ay likas na sa ating mga tao, ngunit nakadepende ang ating wika sa kung ano ang nakapaligid sa atin simula pagkabata hanggang sa tayo'y matuto nang makipag-ugnayan sa ibang tao. Kaya maituturing na 'inevitable' ang paggamit ng wika o talagang hindi ito maiiwasan dahil marami itong nagagawa lalo na sa isang lipunan, ito'y daan sa pagkakaisa, pagkakaunawaan, at sa kaunlaran ng lahat lalo na sa isang bansa. Maraming mga sitwasyong makakapagpatunay na mahalaga ang wika dahil marami itong gamit sa atin at sa ating lipunan.
Ayon kay M.A.K Halliday ay may pitong tungkulin ang wika: Instrumental, Regulatoryo, Interaksiyonal, Personal, Heuristiko, Impormatibo at Imahinatibo. Ang pitong mga tungkuling ito ay maraming halimbawa ng mga sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa ating lipunan.
Ayon naman kay Jakobson ay may anim na paraan ng pagbabahagi ng wika ito ay ang: Pagpapahayag ng damdamin (Emotive), Panghihikayat (Conative), Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic), Paggamit bilang sanggunian (Referential), Paggamit ng kuro-kuro (Multilingual), Patalinghaga (Poetic). Ang mga ito ay nagpapakita rin ng mga sitwasyong gamit ng wika sa lipunan.
Mga Halimbawa ng mga Sitwasyong Nagpapakita ng Gamit ng Wika sa Lipunan:
1. PAGGAWA O PAGSULAT NG LIHAM- maraming klase ng liham; mga liham pagkaibigan, liham pangangalakal, liham aplikasyon sa trabaho, liham patnugot at iba pa. Isa ito sa mga sitwasyong nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan. Halimbawa nalang ay may gusto kang maiparating ngunit hindi mo ito masabi ng personal kaya maaari kang gumawa ng liham tulad ng ikaw ay nag-aaply ng trabaho, ikaw ay may sakit at hindi ka makakapasok sa paaralan, maaari kang gumawa ng liham patnugot at ibigay ito sa iyong guro. Sa paggawa ng liham ay kailangan natin ang wika upang tayo'y maintindihan ng taong papadalhan natin nito.
2. PAGSULAT NG MGA PANITIKAN- isa rin ito sa mga sitwasyong nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan. Sa paggawa ng mga panitikan, halimbawa mga nobela, kwento, tula at iba pa ay kailangan ang wika dahil hindi ito maiintindihan ng mga taong babasa nito. Isa pa ay hindi rin makakagawa ng mga ganitong klase ng panitikan kung wala ang wika. Mahalaga ito sa lipunan dahil marami itong naitutulong lalo na sa mga estudyanteng mahilig magbasa ng mga ganitong klase ng babasahin.
3. PAGSULAT AT PAG-ULAT NG BALITA- ang pagsulat ng balita ay isa rin sa mga sitwasyong nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan lalo na sa mga oras na ito'y i-ulat at ibahagi na sa mga tao. Sa panahon natin ngayon ay marami ng mga importanteng ganap na kailangang malaman ng mga tao sa isang lipunan, kaya naman ay para sa kaalaman ng lahat ay kailangan itong ibalita at ipahayag. Hindi ito makokompleto kung wala ang wika kaya talagang ito'y mahalaga lalo na para sa mga newscaster o sa mga gumagawa ng balita para sa bayan.
4. PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG TAO SA ARAW-ARAW- araw-araw ay hindi natin maiwasang makipag-ugnayan sa ibang tao, nakasanayan na nating makipag-usap at makihalubilo sa iba, lalo na sa ating mga kaibigan. Halimbawa nalang sa isang grupo ng magkakaibigan ay walang pagkakaisa at pagkakaunawaang mangyayari kung wala ang wika, lalo na kung wala ito sa isang lipunan.
5. PAGPAPAHAYAG NG SARILING KAISIPAN AT DAMDAMIN- bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang isip at damdamin, mahalaga ang pagpapahayag nito para sa kaalaman ng iba tungkol sa iyong saloobin. Halimbawa nalang ay kapag ika'y may hinanakit sa iyong kapwa tao dahil mayroon siyang ginawang hindi tama, paano mo sasabihin ang iyong damdamin kung wala ang wika? Paano niya rin malalaman ang ginawa niyang mali? Kaya mahalaga ang talaga ang wika sa isang lipunan upang magkaintindihan ang bawat isa.
MARAMI PANG MGA SITWASYONG NAGPAPAKITA NG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN. ANG LAHAT NG ITO AY MGA HALIMBAWA LAMANG NG IILAN SA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN. ANG PINAKAIMPORTANTE SA LAHAT AY MAKITA AT MAINTINDIHAN NATIN ANG HALAGA NG WIKA SA ATING LIPUNAN DAHIL ITO ANG NAGPAPATULOY SA PAGKAKAISA NATIN AT ISA ITO SA DAAN KUNG BAKIT TAYONG MGA PILIPINO AY NAGING MALAYA AT ITO'Y DAAN RIN SA KAUNLARAN NG ATING BANSA. SA MADALING SALITA, ANG WIKA AY ATING BUHAY.